Minsan naisip ko, “Ano bang meron, at hindi ako magsawa sa panunuod ng mga Koreanovela?”… hindi ko alam ang kasagutan, pero sa tinagal tagal ng panahon ko ng pag iisip, ngayon ko lang nalaman ang sagot.
Isang dekada, isang dekada na akong may ginugustong isang tao. Hindi ko alam kung bakit, pero ganun katagal ko ng minamahal itong tao na ito. Masasabi kong kaibigan ko siya at maski ano man ang sa dahilan kung bakit ako umabot ng sampung taon, marahil siya ang aking unang pag-ibig at aking unag pagakagusto, ang nagmulat sa aking mga mata ng salitang ‘’crush’’ & ‘’love’’. Sabi nga nila, puppy love na true love daw ito.
Sa loob ng halos isang dekada pag – ibig ko, limang babae na ang inibig nya at nagging kasintahan. Oo! Ako na si TANGA, na sa baawat babae niyang nililigawan at ginugusto, walang nakakaalam kung gaano kasakit sa akin yon. Kung paano ko iniiyakan ang mga bagay, na dapat hindi naman iyakan. Siguro, tamang sabihin na siya lang ang tanging lalaki na inayakan ko. Nagkaruon ako ng dalawang kasintahan pero hindi ako umabot sa punto na hindi ako makatulog dahil sa ako’y umiiyak.
Sa lahat ng inibig niya, sa iisang babae lang ako, masasabi kong panatag at Masaya para sa kanya,… nang naging sila ng kaibigan ko. Pakiramdam ko, sapat na sa akin na katulad ng kaibigan ko ang kasa-kasama niya, at talagang yun lang nag masasabi kong Masaya ako. Ngayon, sa ika-6 na pagkakataon, nang nalaman ko na may bago nanaman siya, tumulo ang mga luha sa mata ko, kasabay ng pag gawa ko ng blog na ito. Hindi ko inaasahan na ngayon ito manyanyari at sa mga araw pang malapit na ang kaarawan ko.
Muli, tinanong ko ang sarili ko, “Bakit mahilig ako manuod ng mga Koreanovela?”… ang sagot, dahil sa mga palabas na iyon ko nararamdaman na kahit paano, nagkaruon ako ng HAPPY ENDING.